Sharing my election notes with SBS Radio

by Romy Cayabyab on May 25, 2010

in Blog, Issues

Comelec accreditation as a foreign observer

In a telephone interview with Ronald Manila, Head of SBS Filipino Program, I shared with Ronald’s listeners my observations in the recent Philippine elections. The interview, conducted in Filipino, was aired last 20 May 2010 over SBS Radio.

Here are some of my notes during the interview.

1.MAARI BANG IBAHAGI MO SA AMIN ANG IYONG NAGING KARANASAN BILANG INTERNATIONAL ELECTION WATCHER

Oo naman, kasamang Ronald. Isang karangalan na maibahagi ang aking karanasan at impormasyon.

Bilang foreign observer, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapanayam ang ilang mga opisyal ng Comelec sa head office at sa mga municipal precincts at provincial at regional board of canvassers.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makapanayam ang pinuno ng Smartmatic na siyang mga providers ng mga software at hardware na ginamit sa nakaraang automated polls sa Pilipinas.

May mga ilang mga watchers o observers mula sa United States ang nakasama ko rin at nagkaroon ng pagkakataon na magpalitan ng mga observation notes at pala-palagay.

Ang ilan sa mga obserbasyon ko – bilang pagbabalita – ay pinablis sa ating website TheFilipinoAustralian.com.

2. ISA O DALAWANG ARAW MAKALIPAS ANG HALALAN, KAAGAD IPINAHAYaG NG PUBLIKO NA NAGING MALINIS ANG HALALAN, SUBALIT ILANG ARAW PANG MGA NAKALIPAS, MARAMI LUMALABAS NA ULAT NA MARAMING MGA DI-TAMANG KAGANAPAN TULAD NA PANANAKOT, PAGBILI NG BOTO, AT KAHIT PAGTAGO NG MGA PCOS MACHINE, BAKIT GANOON?

Dahil marahil nasanay na tayong mga Pilipino na maghintay ng napakatagal bago dumating ang resulta, kaya nung magsimulang lumabas ang mga resulta pagkatapos lamang ng ilang oras magsara ang mga presinto, ito ay itinuring natin na isang tagumpay.

Na siya namang tutoo. Katulad ni Senador Manny Villar na nag-concede kinabukasan. Ito ay isang malaking bagay, di ba? Unprecedented ito, ika nga.

Ang mga ulat ay nagsimulang lumabas ilang araw na di umano may mga kaganapan na hindi kanais-nais tulad ng pananakot, pagbili ng boto at pagtago ng mga PCOS machine.

Ang tutoo, hindi naman natin dapat asahan na ang pag-otomeyt ng polling system ay siyang solusyon sa mga problemang dala ng eleksyon.

Ang inotomeyt ay ang pagbibilang at pag-canvass ng mga boto lamang.

Marami pang dapat gawin para maging isang tagumpay sa pangalan ng demokrasya ang eleksiyon.

Kasama na rito ang patuloy na pagtuturo at pagpapalawak ng kaalaman sa ating mga kababayan kung papaano ang wastong pagboto o paggamit ng otomeyted voting.

Sayang nga lang, ang pag-otomeyt ay ginawa across the board. Maganda sana na inunti unti muna habang nagsasanay ang ating mga kababayan.

3. KINUWENTA NG ISANG GRUPO NG MGA MANGGAGAWA NA MAHIGIT DALAWAMPU’T PITONG MILYON MAHIGIT SIYAM NA MILYONG BOTO ANG HUMIGIT SA INAASAHANG BOTO SA MGA KABILANG SA PARTY LIST NA NAG-PAPAHIWATIG NA MARAMING PAG-DAGDAG, ITO BA ANG MAAARING NANG-YARI

Nakatanggap din ako ng mga impormasyon ukol dito.

Pero sa kasalukuyan, napakahirap nating sabihin na ito ay tutoo o hindi tutoo.

Pero kung tutuusin, batay sa statistical probability, mukhang merong katutuhanan ang sinasabi nila.

Pero ito ay statistical probability lamang.

Ang pinakamagandang gawin ay magkaroon ng manual tally o manual audit sa mga presinto na sa palagay ng iba na nagkaroon ng anomalya.

4. SA IYONG PERSONAL NA PALAGAY, TAGUMPAY BA ANG KAUNA-UNAHANG AUTOMATED ELECTIONS

Kung ang batayan natin ay bilis ng resulta, masasabi ko na tagumpay.

Pero dahil sa mga pangyayari bago ang eleksiyon, katulad ng mga glitches na nasumpungan, nagkakaroon ngayon ng ibang kulay o nagiging suspect ang mga nasabing resulta.

Marahil nakarating din sa ating mga kababayan dito ang ukol sa nangyaring glitch halos 5 araw na lang bago ang eleksiyon. Ang mga compact flash cards ay napilitang pinalitan ng Comelec- Smartmatic ng bagong computer program dahil ang unang program ay mali ang resultang lumalabas. Noong subukan ay may mga boto ang mga kandidato na hindi nabibilang ng PCOS machine.

Kung iisipin mo na may 76,000 cluster precincts sa buong Pilipinas na meron na nakahanda na sana, para palitan mo ang mga memory cards ng mga makina sa loob ng 5 araw, ito ay napakalikang problema, di ba?

Bagamat sa aking pagkaalam, napalitan din ang mga memory cards na naglalaman ng bagong computer program, ang ibinunga nito ay may mga presinto na hindi na na-test or nasubukan ang mga makina.

Ibig sabihin, ang mga PCOS machines ay wala ng testing.

Sa mga nakakaintindi sa computer programming o mga kababayan natin na mga IT professional, ito ay isang malaking isyu. At bunga nito, hindi tuloy mapaniwalaan ang mga resulta ng naganap na automated polls.

5. SA TINGIN MO, GAGAMITIN BA ULIT NG COMELEC ANG PAREHONG PCOS MACHINE O GAGAMIT PA NG PANIBAGONG SISTEMA SA SUSUNOD NA HALALAN

Sa aking pagka-alam ang mga PCOS machines ay under lease lamang.

At ang mga ito ay isosoli pagkatapos ng eleksiyon. Ito rin ang isang bagay na dapat aksiyonan kaaagad ng Comelec.

Dahil kung may mga lumalabas ng mga suspicion ukol sa integrity ng mga ginamit na machine, sa palagay ko kailangan munang ilagay sa isang secure area ang lahat ng mga PCOS machines para masiyasat kung tutoo nga na may mga hocos pocus na ginawa.

Hindi ko lang alam kung ito ang mga makina ay isinoli na.

Sa aking palagay, itutuloy pa rin ng Comelec ang automation. Ito ay may pagpapatibay ito ng Republic Act 9369.

Ang mata ng mundo ay kasalukuyang nakatuon sa Pilipinas. Ang tutoo, ang ibang bansa katulad ng Indonesia at Malaysia ay mga observers upang pag-aralan kung papaano magagamit din ang sistema ng Pilipinas sa kanilang balak na automation.

Other suggested articles

[Not necessarily related to above post; Automatically generated]

{ 2 comments… read them below or add one }

R Tanglao May 25, 2010 at 6:31 am

Thanks for sharing, Romy. Sana naman maging maayos na ang takbo ng ating bansa sa bagong gobyerno.

Reply

Romy Cayabyab July 6, 2010 at 2:14 am

Ganoon din ang pag-asa ko. Pero sa mga nangyayari nitong mga unang linggo pa lang ng bagong pangulo, mukhang meron ng kailangang ayusin sa mga bagong mamumuno sa bansa.

Reply

Leave a Comment

 

Previous post:

Next post: